Paslit nabingwit sa Ilog Pasig

NABINGWIT ng mga tauhan ng M/T Marshall 2 ang isang hubad na bangkay ng batang lalaki Huwebes ng gabi sa Ilog Pasig sa harap ng St. Jude Cllege sa Sta. Mesa, Maynila.

Tinatayang nasa edad na walo (8) hanggang 11 ang biktima, may taas na 3 ½ – 4 feet at nasa state of decomposition na ang katawan.

Sa report ni SPO1 Milbert Balinggan, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 10:30 ng gabi nang mabingwit ng mga tauhan ng M/T Marshall 2 ang bangkay ng biktima sa naturang ilog.

Agad nila itong inireport sa Coastguard Special Operation Group at saka ipinagbigay alam ang nsidente sa pulisya.

Ayon sa pulsiya, possible umanong tinangka ng biktima na lumangoy sa ilog na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Dinala ang bangkay ng paslit sa St. Yvann Funeral parlor para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply