Pasok na pasok na raw ang wetpaks!: Eula Valdez, kailangan nang mag-butt lift

ASIDE sa No. 1 Sexiest Women in the World na si Sam Pinto at ang kanyang mga kasama sa Top Ten Sexiest Women ng FHM at iba pang modelo, rumampa rin sa party ng FHM last week ang mahusay nating aktres na si Eula Valdez na pa-sexy rin ang image. Kaso, mo habang pakendeng-kendeng siya sa entablado, sa halip na maseksihan sa kanya ang mga barakong fans ay marami ang na-turn off dahil pasok na pasok na raw pala ang wetpaks ng aktres.

Bakit naman kasi alam niyang paseksihan ng katawan ang labanan sa nasabing event ng naturang men’s mag ay hindi pa niya ito pinaghandaang mabuti. Saka, sa panahon ngayon ng makabagong siyensiya ay hindi na problema ang lawlaw o pasok na behind dahil kapag may money, puwede mo itong ipa-butt lift kaagad-agad kay Belo o kahit saan na feel mo.

Saka marami na sa ating celebrities ang mga dumaan sa ganitong proseso nandiyaan sina Ethel Booba, John Estrada, Kim Chiu, Ruffa Mae Quinto, etc.

***

‘Reputasyon’ ni Cristine Reyes pambato ng Kapamilya Gold

UMANI ng mga papuri ang bagong serye sa hapon ng ABS-CBN na umere noong Lunes (July 11), ang “Reputsayon,” na pinagbibidahan ni Cristine Reyes. Promising ang kwentong hatid nito na bahagi ng ABS-CBN Kapamilya Gold.

Umiikot ang istorya kay Agnes De Los Santos (Cristine), isang babaing may mga simpleng pangarap ngunit sisirain ang kanyang buhay at reputasyon ng isang malagim na insidente.

Sa ganda ng kwento at sa galing nga mga artista, tiyak na dadalhin nito ang panonood ng ating mga kapamilya sa kakaibang lebel ng emosyon at drama.

Ayon kay Cristine, “Itataya ko po ang repustasyon ko, maganda po talaga ang kwento nitong bagong show namin. Pinag-isipan po ng mabuti at pinaghandaan po ng aming mga writers at production team.”

Ang huling proyekto ni Cristine sa Kapamilya network ay ang “Precious Hearts Romances presents Kristine.”

Samantala, masayang-masaya si Rayver na makatambal ang kanyang girlfriend sa isa na namang teleserye. “Pakiramdam ko hindi ako nagtatrabaho kasi masaya kami sa set.
Masayang-masaya ako na kasama ko si Cristine dito sa show. “Bihira lang naman kasi yung pagkakataon na makasama mo sa isang project yung mahal mo sa buhay. At ang project na ito, maipagmamalaki namin, exciting ang magiging latag ng mga kwento.” pahayag ni Rayver.

Kukumpletuhin naman ni Jason Abalos ang love triangle na dapat abangan ng lahat. Magsisilbing comeback project naman ito ni Aiko Melendez na matagal-tagal namahinga sa pag-arte.

Bilang Catherine Villamayor, muli siyang magpapamalas ng kakaibang galing. Makakasama pa nila ang ilan pang mga magagaling at beteranang mga aktor na magpapaigting pa sa kwento– Jacklyn Jose, Lito Pimentel, Emilio Garcia, Deborah Sun, Jill Yulo, Andrei Garcia, John James Uy. Kukumpletuhin ng mga batikang direktor na sina Laurice Guillen and Celso Ad Castillo ang cast, sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian and Mervyn Brondial.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply