Pastilyas ng Pilipinas ‘hit’ sa Sri Lanka

MALAKING ‘hit’ ang Philippine pastries and delicacies sa isinagawang Colombo Plan International Bazaar sa Sri Lanka, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Members of the Philippine Ladies Association in Sri Lanka had prepared Filipino pastries and delicacies that turned out to be very popular with the bazaar crowd,” ayon pa sa DFA.

Lubos namang nagpasalamat ang Colombo Plan Secretariat sa suporta ng Embahada ng Pilipinas sa Bangladesh.

“Its great gratitude and deep appreciation of the valuable contribution for the Colombo Plan International Bazaar,” ayon sa Colombo Plan Secretariat sa selebrasyon na rin ng ika-60 anibersaryo ng Colombo Plan.

Sa kasagsagan ng bazaar, binisita ni Philippine Ambassador Bahnarim Guinomla ang Philippine booth kasama si Colombo Plan Secretary General Dato’ Patricia Yoon-Moi Chia para batiin at pasalamatan ang mga Pinoy na nakiisa sa selebrasyon.

Ang Philippine Ladies Association ay pinangunahan ni Lulu Hilmy,  kaagapay ang Philippine Honorary Consulate General sa Colombo na pinamumunuan naman ni William John Terree Perera.

Posible namang ipagpapatuloy ang pag-angkat ng mga pastilyas at iba pang matamis na gawang Pinas sa nasabing bansa dahil na rin sa mainit na pagtanggap sa produkto ng Pilipinas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply