Pastor binoga sa Gensan, patay

ISANG pastor ang pinagbabaril ng isang hindi nakilalang salarin sa lungsod ng General Santos sa Mindanao.

Ang biktima ay kinilalang si Oliver Marino, 33, pastor sa Alliance Church sa Promise Land na matatagpuan sa Barangay Mabuhay, naturang lungsod.

Nabatid na tatlong putok ng baril ang narinig sa lugar. Binaril pa umano ng suspek ang misis ng pastor subalit hindi ito tinamaan.

Sinubukan pang gamitin ang motor ng biktima ngunit hindi ito umandar at tumakbo na lang papalayo sa pinangyarihan.

Dinala kaagad ang pastor sa pinakamalapit ng pagamutan subalit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaril. Inaalam nila ang motibo ng salarin sa pagpaslang kay Marino.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply