Patay ang delihensiya ng mga ahente ng punerarya

MAHIGPIT na ipinagbabawal ni Mayor Alfredo Lim ang pagtatanghod ng funeral representatives sa mga ospital ng gobyerno sa Maynila. Ang kautusan ay resulta ng obserbasyon at reklamo ng mga kaanak ng mga pasyente laban umano sa mga matatalas na pang-amoy na mga ahente ng punerarya sa mga ospital na may pasyenteng may sakit at/o nasa bingit ng alanganin.

May anim na pampublikong pagamutan sa Maynila na naglalaan ng serbisyo medikal na walang bayad. Ang mga ito ay ang Jose Abad Santos Mother and Child Hospital, Ospital ng Maynila, Ospital ng Tondo, Sta. Ana Hospital, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at ang Ospital ng Sampaloc.

At tuwi-tuwinang may nalalagutan ng hiningang pasyente, may ilang taga-punerarya na walang patumanggang susubuan ng kontrata para mapalagda ang naghihinagpis na kaanak ng biktima.

Sa halip na pagyamanin ang kalooban ng mga kaanak ay lalo pang napahihirapan ang kalooban nila. Hindi naman lahat-lahat, may ilan ding ahente na may nakau-mang ng service vehicle para pagsakyan ng biktima.

May ilan ding pagkakataon na sa panig ng pulisya, partikular sa mga biktima ng karahasan, kasabwat sila ng funeral agents na kung saan ilalagak ang bangkay. But, of course may porsiyento ang ilan sa kanila kada bangkay na mapupunta sa punerarya.

* * *

Nagsasagutan sina Caloocan City Mayor Enrico Recom Echiverri at ang kanyang bise-alkalde na si Egay Erice hinggil sa preventive suspension ng punong-lungsod kaugnay sa diumano’y kabiguan ni Recom na i-remit ang P37 milyong kontribusyon ng city hall employees sa Government Service Insurance System.

Ayon sa mga maka-Recom, bakit sa lahat ng apektado ay si Erice pa ang naghain ng reklamo sa Ombudsman at hindi ang mga apektado.

Katwiran ni Erice, siya’y  mamamayan ng lungsod at bilang opisyal ng city hall ay tinutugunan lang niya ang panawagan ng taumbayan para tulungan sila sa madalas na kabiguan na hindi makapag-aplay ng loan sa GSIS.

Sa pinakahuling impormasyon mula sa Court of Appeals ay napagkalooban si Echiverri ng 60 days Temporary Restraining Order para sa kanyang patuloy na pag-upo na mayor ng Caloocan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply