Patay sa dengue 185 na

MAY 185 katao na ang kumpirmadong nasawi sa mahigit 30,000 kataong nabiktima ng sakit na dengue sa bansa.

Ito ang iniulat Lunes ng Department of Health (DOH) batay sa pinakabagong Disease Surveillance Report na ipinalabas nito.

Ayon sa DOH, mula Enero 1 hanggang Hunyo 25 ng taong kasalukuyan ay nakapagtala na ang DOH ng may 29,898 kaso ng dengue.

Mas mababa naman umano ito ng 11.17 porsiyento kumpara sa 33,659 kaso na naitala nila ng kaparehong panahon noong 2010.

Karamihan sa mga kaso ay naitala ng DOH sa National Capital Region (28.34 porsiyento), Region 111 (17.21 porsiyento) at Region IV-A (14.76 porsiyento).

Walang pinipiling edad ang sakit dahil ang mga biktima ay mula sanggol na wala pang isang buwang gulang hanggang 89 taong gulang.

Majority o 53 porsiyentong mga kaso ay mga kalalakihan at 38.7 porsiyento naman ay mga batang nasa isa hanggang 10 taong gulang lamang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply