Patrick Garcia parang binagoongan sa Siyete

NOONG bagong lipat si Patrick Garcia sa GMA 7 ay sunod-sunod ang mga programang binibigay nito sa kanya. Pero bakit kaya ngayon ay wala na? Sa ngayon nga ay walang show si Pat sa nasabing network. Mukhang nagkamali lang siya sa naging desisyon niya na mag-ober-da bakod sa kalabang network ng ABS-CBN. Bakit kaya hindi na lang siya bumalik sa Kapamilya network? Siguradong pag ginawa niya yun ay buong puso pa rin siyang tatanggapin nito lalo na ng head ng Star Magic na si Mr. M. Love naman siya nito, di ba?

Sayang ang husay sa pag-arte ni Patrick kung ganyang hindi naman niya na nagagamit, di ba?

***

MASAYA si RR Enriquez dahil binigyan siyang muli ng show ng ABS-CBN 2. Kasama siya sa “Reputasyon,” kung saan ay gumaganap siya rito bilang kababata ng bidang si Cristine Reyes.

“Baklang-bakla ang role ko sa Reputasyon. And I love it. Sa totong buhay naman kasi ay babaeng bakla ako e,” sabi ni RR na natatawa

Noong pareho pang nasa cast ng “Banana Split” sina RR at Cristine  ay nagkaroon sila ng hidwaan. Nagkaayos na ba sila bago niya tinanggp ang mapasama sa Reputasyon?

“Matagal na kaming okey ni AA (palayaw ni Cristine). Nauna siyang nawala sa Banana Split ‘di ba? Nagkita at nagkausap na kami before pa nang mag-guest siya roon nung nandoon pa ako sa show.

“Very accommodating naman siya nung una kaming magkita sa set. Happy ako na okey yung relationship namin.”

Hind kaya pinaplastik lang siya ni Cristine?

“Sa tingin ko hindi naman. Huwag ninyo na kaming intrigahin kasi okey na talaga kaming dalawa ngayon. Wala na talagang problema sa amin. Promise!

Naniniwala si RR na ngayong magkasama ulit sila sa isang show ni Cristine ay posbileng mabalik ang friendship nila.

***

SUNUD-SUNOD ang  pasabog sa mas tumitindi pang kompetisyon ng mga Bigating Pinoy sa “The Biggest Loser Pinoy Edition.”

Kasunod ng pagpapauwi kay Joy Siy sa pinakahuling elimination ceremony, ipinasok naman sa Biggest Loser Camp ang dalawang wild card contestants na sina Andy at Leigh.

Unang nakilala ang dalawa sa wild card challenge na naipanalo nina Destiny at Larry noong simula pa lang ng programa. Lingid sa kaalaman ng lahat, patuloy ang pagti-training ng dalawa sa labas ng camp at nakatakdang bumalik para hamunin ang mga “original” na Bigating Pinoy.

Ngayong linggo, tatapatan nina Andy at Leigh sina Ryan at Angela, ang dalawang nangulelat sa “Deadly Tons” challenge para sa “The Big Challenge.” Dito sasabak sila sa tatlong hamon para sa kapangyarihang piliin kung sino ang lalaban kina Andy at Leigh sa susunod na weigh-in.

Importanteng maipanalo ito nina Ryan at Angela para masiguradong malakas ang dalawang pantapat ng mga original bigating Pinoy kina Andy at Leigh sa darating na weigh-in. Kung manalo kasi sina Andy at Leigh sa bawasan ng timbang, ligtas sila sa eliminasyon at ang dalawang nasa ilalim ng yellow line na original bigating Pinoy ang haharap sa botohan.

Samantala, nananatili namang masigasig si Joy maski lumabas na sa camp. Si Winwin ang nakatapat niya sa elimination ceremony, at tila nanaig ang dating grupu-grupo nila dahil mga dating Red Team ang bumoto sa kanya.

Gayunpaman, masayang ibinalita ni Joy na nakapagbawas na siya ng 4 lbs sa kanyang sariling pagsisikap. “Itinutuloy ko ‘yung disiplina na sinusunod ko sa camp, ‘yung pag-aalaga ng katawan ko by training at pagkain ng tama. Isasama ko rin sa calendar ko ‘yung mga fun run, marathons, swimming, at badminton. Bawas gimiks na.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply