Paulit-ulit na medical exam, modus operandi ng mga recruitment agency sa panloloko ng mga OFW

NAG-APLAY si Teddy Buhat, isang OFW sa Eureka Personnel Management Services, Inc. na kilala din bilang Eureka General Services noong Enero 8, 2011. Lumuwas pa siya mula sa Iloilo City patungong Maynila nang mapili siya bilang isang pipe fitter patungong Jubail, Kingdom of Saudi Arabia.

Kasunod nito, nagkaroon ng panayam sa kanya ang nasabing ahensya at sumailalim sa isang medikal na eksaminasyon. Ang klinika ay inendorso ng ahensyang Eureka na iniulat na mayroong sakit sa mata si Buhat. Kaya naman dahil dito agad naman siyang nagtungo sa Philippine General Hospital (PGH) at nagpatingin dito kung saan pinagkalooban naman siya ng rekomendasyong “fit to work.”

Ayon kay Buhat, nakapagbayad na siya ng mahigit sa P10,000 para umano sa pagpoproseso ng kanyang mga document at sa medical test na isinagawa sa kanya. Binigyan naman siya ng Eureka Agency ng garantiya na siya’y mapapaalis nito sa susunod na buwan o sa buwan ng Pebrero.

Consequently, he was interviewed and submitted himself to a medical examination. The medical clinic endorsed by Eureka reported that Buhat has an eye disorder; he then sought the assistance of the Philippine General Hospital (PGH) which provided a fit to work recommendation. Ngunit laking gulat na lamang ng ating OFW ng kinukuha na niya ang mga resibo ng mga ibiniyad niya mula sa ahensya. Ayon sa Eureka Agency hindi sila nag-iisyu ng kahit anong resibo, ang tangi lamang umano nilang ibinibigay sa kanilang mga aplikante ay ang Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) certificate na ang tangi lamang talagang sertipiko na nakuha ng ating OFW mula sa ahensya. Ang pinakamalala pa dito sa pagpa-follow-up ng ating kabayan sa Eureka Agency kung kalian siya mapapaalis nito, sinabi sa kanya ng ahensya na naubusan ang embahada ng Saudi ng “visa” para sa kanya.

Umuwi ang ating kabayang OFW na si Buhat sa Iloilo City nitong Mayo 2011. Nakatanggap siya ng isang text message mula sa Eureka. Batay sa mensahe ng ahensya, kinakailangan niya muling sumailalim sa isang medical test dahil expired na ang mga resulta ng kanyang nakaraang medical exam. Dahil walang magawa ang OFW at dahil sa matinding kagustuhan niyang makapag-abroad, muli siyang sumailalim sa isa na namang medical exam nitong Hunyo 6, 2011. Kampante naman ang ating kabayan na “fit to work” na ang resulta ng kanyang medikal. Subalit, higit siyang nadismaya ng sinabi ng klinika na ni-refer sa kanya ng Eureka Agency na kailangan na naman niyang sumailalim medical test dahil may mga discrepancy umano sa kanyang X-ray.

Nagising ang isip ng ating kabayan simula noon. Sa sobrang pagkadismaya niya, binawi na lamang niya ang kanyang aplikasyon sa Eureka Agency. Nagtungo siya sa inyong Bantay OCW sa himpilan ng Radyo Inquirer upang idulog ang kanyang reklamo at manghingi ng tulong para sa posibleng pagbawi ng kanyang mga ibinayad sa ahensya.

Napakarami nang narinig ang inyong Bantay OCW na dahilan o “alibi” mula sa mga landbased recruitment agency sa pagkabigo nilang makapag-paalis ng ating mga OFW sa kabila ng magaganda at kali-kaliwa nilang mga pangako sa mga ito sa ibayong-dagat. Isang siklo na ito kung maituturing. Ngunit nananatili pa rin sila sa industriya at masayang natatamasa ang buong pribilehiyo ng isang lisensyadong recruitment agency na may good standing status pa. Wala silang karapatan, o kahit isang karapatan, o ‘ni katiting na karapatan para lokohin ang ating mga kabayan, na ang tanging nais lamang ay magandang buhay para sa kanilang mga mahal sa buhay.

***

Bantay OCW Programs

TELEBISYON: NBN Channel 4 (Monday to Friday, 10:10pm-11:10pm)
www.ptni.tv

RADYO: Radyo Inquirer DZIQ 990 AM (Monday to Friday, 7:00pm-8:30pm)
Address: Media Resource Plaza Bldg., Mola cor. Pasong Tirad St., Bgy. La Paz, Makati City

BANTAY OCW FOUNDATION OPERATIONS CENTER (Monday to Friday, 8:00am-5:00pm)

631 Shaw Blvd., Mandaluyong City
Telephone Numbers: 535.7209/ 881.9423/ 0919.2140699
Email: susankbantayocw@yahoo.com/ bantayocwfoundation@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply