Pautang sa magsasaka, mangingisda itutuloy ng DA

BUBUHAYIN muli ng Department of Agriculture (DA) ang programa ng pagpapautang sa mga organisadong grupo ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF).

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, isasaayos na nila ngayon ang guidelines para mahigpitan ang sistema sa pagpapalabas ng pondo ng ACEF.

Sa narebisang guidelines, hindi na lamang ang kalihim ng kagawaran ang may eksklusibong awtoridad sa pag-apruba ng pautang kundi dadaan din ito sa pag-apruba ng chairman ng Senate at House committees on agriculture and food.

Ang ACEF ay pondong nagmumula sa buwis na nakokolekta mula sa angat na agricultural at fishery products maliban sa bigas.

Ito ay itinatag upang mabigyan ng tulong pinansyal ang mga magsasaka at mangingisda na palakasin ang kanilang hanapbuhay kasabay ang pagpapalakas sa export market.

Sinuspinde noon ni Alcala ang pagpapautang mula sa ACEF dahil sa alegasyon na nawawaldas lamang ang pondo sa di maayos na pagkakagastusan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply