Payo kay Marya para aregluhin ang 2 kasambahay: Hintaying lumawit ang dila ng mga ito sa gutom

KAHIT ilang summons na ang dumating sa bahay ni Maricel Soriano mula sa pamunuan ng Barangay Poblacion, Makati ay hindi talaga ito lumilitaw. ‘Yun namang kanyang driver ay panay ang pirma sa sulat na ito ng barangay (loko ka, pag-naasar sa’yo si Marya baka ikaw naman ang matadyakan. Hahaha!). Pero pumupunta naman daw ‘yung abogado ng aktres kaya oks lang.

Gayunman, kapag di umapir sa barangay ng tatlong beses si Maricel ay iaakyat na ito sa korte at do’n na sila maglabo-labo.

Anyway, ilang beses daw nag-attempt ang kampo ng beteranang aktres na maareglo ang dalawang kasambahay but to no avail. Matigas ang paninindigan ng dalawang katu. Handa raw silang lumaban.

Pero may nakitang kahinaan ang kampo ni Marya. Hintayin daw nilang lumawit ang dila sa gutom ng mga nagrereklamo at magkakalyo ang mga paa nila sa kalalakad (dahil walang pamasahe) para mapilitan ang mga itong tanggapin ang alok na peace offering ng una.

Gutuman pala ang labanan, huh! Hehehehehe!

Paging Gabriela at iba pang samahan ng mga kababaihan, bakit tahimik kayo? Tulungan nyo naman ang mga kabaro n’yo na inaapi ng kanilang amo.

Itong Gabriela na lang, hindi ba’t maiingay ito kapag may mga babaeng nasasalaula, eh, bakit ngayon tikom ang inyong mga bibig?

Magbigay naman kayo kahit pamasahe at pagkain man lang sa dalawang ito. Suportahan nyo para di sumuko sa laban. Kung wala kayong pondo, kahit moral support puwede na. Aba’y kawawa daw talaga ang mga ito. Nu’ng matapos nga raw ang hearing sa barangay na hindi naman dinaluhan ng magaling na aktres, naglakad lang daw pauwi ang dalawa habang naglalaway sa gutom.

May natisod naman kaming tsismis, maliban daw sa dalawang nagrereklamo, meron pang ibang mga kasambahay ang naunang nakatikim daw ng pagmamaltrato ni Ms. Soriano. Susme!

Ano ba itong hinahangaan nating artista, sadista?

***

ABS may peace offering kay Sarah

KUNG ang kampo ni Maricel Soriano ay may peace offering sa dalawang kasambahay niya, ito namang ABS-CBN ay meron din daw, pero hindi sa mga katu ha? kundi kay Sarah Geronimo.

Kasi nga, nag-aalburuto rin si Sarah. Nahahalata nitong mas pinapaboran ngayon ng Dos si Angeline Quinto.

So, for the second time around (nu’ng unang mapabalitang tatawid daw sa ibang network si Sarah ay agad siyang pinapirma ng Kapamilya network ng panibagong kontrata kahit hindi pa tapos ang nauna niyang contract), muling sinusuyo ng Dos ang magaling na singer sa pamamagitan ng isang malaking pelikula na pagsasamahan muli nila ni John Lloyd Cruz at iba pang malalaking artista plus isang major concert na pagsasamahan nila ni Martin Nievera.

***

Derek Ramsay may anak na?

DEREK Ramsay, after a big revelation about his marital status the previous week, is yet to face another shocking issue.

According to an entertainment website Filipinas In Showbiz, someone claimed via a ‘comment’ on its article that Derek is not just married to this Filipina-Indian model Mary Christine Jolly but they also have a 7-year-old son named Austin Gabriel.

“It is true. He is married to mary Christine Jolly-Ramsay and they have a son together – Austin Gabriel who is now almost 8 years old. I can vouch for this as she was my officemate here in dubai,” the comment reads.

The website admin also traced the IP address of the comment and it was found out that it was from Dubai where Mary Christine reportedly resides at the moment.

Hmmmmmmmm… Can anyone else confirm this???

Ito ay mula sa isang website na hindi muna namin pangangalanan. Pero may napansin lang kami sa edad ng bata na sinasabing anak ni
Derek sa asawang Filipina-Indian model, 8 years old na ito at matagal na silang hiwalay ng ina nito, so, ibig sabihin, gurangis na itong si Derek?

Kung di lang maganda ang katawan at okey ang mukha ng aktor/TV host, baka anak n’ya na lang si Angelica Panganiban. Hahahaha!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply