PCSO chair Juico ipinasisibak ng 12 grupo

NAGKASA ng protesta ang 12 grupo ng mamamayan, propesyunal at overseas Filipinos sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Quezon City Biyernes ng umaga.

Ang pagsugod sa PCSO ng may 50 kinatawan ng iba’t ibang organisasyon na nasa ilalim ng Tanggulang Demokrasya (Tan Dem) ay para iprotesta ang “muckraking tactics” ni Margie Juico at Aleta Tolentino, PCSO chairperson at general manager.

Sa press statement ng grupo, masama umano ang motibo ng pagbubulgar nina Juico at Tolentino sa kontrobersiyal na “Pajero bishops” na umiskandalo sa napakaraming Katolikong Pilipino sa buong mundo.

“A subsequent congressional investigation has found that the ‘Pajero issue’ has been blown out of context, a result of witting or unwitting misinformation by said PCSO officials and its sensationalistic treatment in the media,” anang grupo.

Kinokondena ng Tan Dem ang umano’y unprofessionalism ng dalawang opisyal at tuluyang pagbabalewala sa pangalan ng kanilang tanggapan at sa mga bishops na idinawit nila sa kanilang “expose”.

“Such irresponsible conduct is unbecoming of officials of the government of change promised us by the Aquino administration in the last elections,” anang Sorry Yellow group na binubuo ng mga dismayadong supporters ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang eleksyon.

Sinabi naman ni Victor Barrios ng Global Filipino Nation (GFN), dapat ay maingat ang mga opisyal ng gobyerno, na tulad nina Juico at Tolentino, hindi lamang sa pagtupad sa kanilang mandato sa mabuting pamamahala kundi maging sa pagbibigay ng mga statement na mali at nakakasakit ng damdamin.

Ang Tan Dem ay binubuo ng mga civil society group na nagsusulong ng tunay na demokrasya sa Pilipinas sa pamamagitan ng reporma sa ating halalan at mabuting pamamahala.

Kabilang sa mga miyembro nito ang GFN, We Citizens Advocates for Reform (We CARE) Movement, Bansa Ko Mahal Ko (BKMK), MIGHT e 2010, at Pulso ng Sambayanan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply