P315-B intel fund ng PCSO nabulatlat

PINALALAGAY ni Senator Franklin Drilon sa watchlist ng immigration si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Rosario Uriarte.

Ito ay matapos lumabas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinamumunuan ni Sen. Teofisto “TG” Guingona III, na nagkaroon ng intelligence fund ang PCSO noong 2008 at 2010 na umabot sa halagang P315 bilyon.

Ikinabigla ng mga senador na dumalo sa pagdinig ang pagkakaroon ng intelligence fund ng PCSO gayung hindi naman ito ahensyang tulad ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dahil dito, hiniling ni Drilon na padaluhin ngayong araw para sa ikalawang pagdinig si Uriarte upang kwestiyunin kung bakit nagkaroon ng ganoong kalaking intelligence fund ang PCSO.

Hiniling din ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na muling padaluhin ang mga kasalukuyang opisyal ng PCSO upang makaharap ang mga dating mopisyal ng ahensya.

Ani Escudero, kailangang mapakinggan ang magkabilang panig upang masagot ang maraming tanong ukol sa anomalya sa ahensyang nabanggit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply