PCSO ipinasasapribado ng Senado

SA HARAP ng alegasyong talamak ang paglulustay ng intelligence fund sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), muling iginiit ni Sen. Franklin Drilon na agad isapribado ang ahensya gayundin ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Ikinatuwiran ni Drilon na hindi dapat direktang kasangkot ang gobyerno sa loterya at operasyon ng casino.

Aniya, dapat limitahan nito ang sarili bilang regulatory body na magbibigay proteksyon sa interes ng publiko.

Sa isang interbyu sa radyo, sinabi ni Drilon na dapat nang isubasta sa pribadong sektor ang operasyon ng lotto at casino, na kasalukuyang kontrolado ng PCSO at Pagcor.

Dapat ding panatilihin ng gobyerno ang kapangyarihan sa paglilisensiya at pagtatakda ng regulasyon sa kanilang operasyon.

“The government only becomes a regulatory agency. The government should not be directly involved in gambling operations. Leave that to the franchisee,” ayon kay Drilon.

Dagdag pa ng senador: “The franchise holder will pay a definite amount to the government not based on sales but on the amount of the bid. That is the fee regardless or whether or not the franchise holder makes money.”

Sa ganitong paraan umano ay makakokolekta ang pamahalaan ng franchise fee na magagamit upang maipatupad ang mas mahusay at kumprehensibong health care program para sa mahihirap.

“Nananawagan tayo sa agarang pagsasapribado sa operasyon ng PCSO at Pagcor upang maiwasan na ang alegasyon sa paglulustay ng salapi at pondo ng ahensiya,” giit ni Drilon. “What government must do is bid out these PCSO and Pagcor operations properly and collect fixed franchise fees that go directly to the national treasury.”

Sinabi pa ni Drilon na maisasagawa ang pagsasapribado ng PCSO at Pagcor sa pamamagitan ng implementasyon ng GOCC Governance Act of 2011 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III nitong nakaraang buwan.

Sa ilalim ng bagong batas, maaari nang maghain ng rekomendasyon ang itatayong ahensya para sa pagsasapribado ng dalawang korporasyon na pag-aari ng gobyerno.

“Sakaling maisapribado ang PCSO at Pagcor, mapagtutuunan ng gobyerno ang operasyon nito upang protektahan ang interes ng publiko at tiyakin na makakukuha ng sapat na salapi sa kikitain nito,” patapos ni Drilon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply