PDEA, BOC nagsama laban sa iligal na droga

GAGAMITIN ng Bureau of Customs (BOC) ang mga k-9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang mapalakas ang kampanya ng bansa laban sa mga iligal na droga matapos magkasundo ang dalawang ahensya sa ilalim ng isang memorandum of agreement.

Maliban sa pagsawata sa pagpasok ng mga iligal na droga, inaasahan din na tataas ang antas ng seguridad sa mga lugar na magkakaroon ng mga K-9 unit.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang mga K-9 unit ay magandang pangontra sa mga tao o sindikatong nag-iisip na gamitin ang mga daungan o pantalan sa pag-aangkat ng iligal na droga, at makapagpabago sa kanilang mga masasamang balak dahil mahuhuli lamang sila ng BOC at PDEA.
Ben reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply