Pedrosa nagbabalik sa race track

SAXONY, GERMANY — Sa muling pagbabalik ni Dani Pedrosa sa racetrack matapos ang ilang buwang pamamahinga, hindi naman ito nabigong angkinin ang unang pwesto sa Sachsenring round ng MotoGP.

Para sa taong ito, ito ang pangalawang panalo ng Repsol Honda driver sa buong season at kanya namang ikalimang panalo sa Germany Grand Prix (tatlo para sa MotoGP, at dalawa para sa 250cc).

Itinodo ni Pedrosa ang ratsada sa karera nang makapagtala ito ng Circuit Record Lap na 1’21.846s.

Nabigo naman si Casey Stoner na siguraduhin ang back-to-back win para sa Honda team nang maungusan siya ng Yamaha rider na si Jorge Lorenzo sa panghuling ikot sa racetrack. Hindi man naka-podium finish, pasok naman sa top 5 ang team mate ni Pedrosa na si Andrea Dovizioso, na sinundan ni Ben Spies ng Yamaha.

Sa world standing, nangunguna ang Australyanong si Casey Stoner, sumunod si Jorge Lorenzo, at Andrea Dovizioso, habang nasa ika-apat at ika-limang pwesto naman sina Valentino Rossi at Dani Pedrosa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply