Pekeng piyesa ng mga sasakyan

TALAGA bang tinatahak ni PNoy ang “matuwid na daan?”

Kung seryoso si PNoy sa tuwid na daan, dapat isama nito sa usapan ang malaganap na paggawa at pagbebenta ng mga peke at marurupok na piyesa ng mga sasakyan.

Dahil sa mga peke at marurupok na piyesa, naaaksidente ang mga sasakyan.

Nagbubuwis tuloy ng buhay o kaya’y nababalda ang mga nadidisgrasya.

Hindi rin biro ang gastos sa pagkukumpuni o danyos sa mga nasisirang sasakyan  at iba pang ari-arian.

oOo

Heto PNoy ang ilang piyesa na peke o marurupok.

Oil cap o seal at hydrovac para sa preno na madaling magasgas at mapunit.

Bombilya na madaling mapundi, relay na madaling masunog at fuse na madaling  maputol.

Electric wire na madaling malagot at matunaw.

Goma na madaling makalbo at pumutok.

Interior na marupok pa sa papel na sanhi na palaging pag-flat ng gulong.

Tornilyo at stud na marurupok at madaling maputol.

Ball joint na madaling kumalog at maghiwa-hiwalay.

Chemical hose at copper tube na madaling maluto at pumutok.

Stainless steel na kalawangin at alambre na tila aluminum lamang.

Switch at relay na madaling masunog.

At oo nga pala, Suki, nagkalat din ang mga wel-ding rod na marurupok at  madaling maghiwa-hiwalay ang pinaggagamitan ng mga ito.

Peste ang inaabot ng mga sasakyan, Suki, dahil sa mga piyesang ito na naipalulusot na mga orig at may mahal na presyo.

oOo

O PNoy, pupuwede rin ninyong gamitin ang mga ito para sa inyong mga sasakyan o isports kar para malaman ninyo ang liko-likong landas dito.

Dapat isama lahat ng ito sa matuwid na daan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply