Pelikulang Filipino isasama sa HS curriculum

ISINULONG sa Mababang  Kapulungan ng  Kongreso ang  panukalang ibilang  sa curriculum  ng high school ang pagkilatis at pagkilala sa mga pelikulang Pilipino.

Ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino, ang kanyang House Bill 4576, na kikilalaning “Philippine Cinema Appreciation Act for High School Students,” ay naglalayong imulat ang mga kabataan sa at mabigyang-pansin ang mga pelikulang gawa ng mga Pilipino na kinatatampukan din ng mga artistang Pinoy at nagsisilbing repleksyon sa  kultura at pagkakakilanlan ng  bansa.

Hinihiling ng panukala na ipatupad ito ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong mataas na paaralan.

Ayon sa mambabatas, napupuna na sa mga kabataan ang mas pagbibigay ng importansya at pansin ang mga pelikulang dayuhan kaya dapat lamang na isingit ito sa kamalayan ng mga  kabataan bago pa man makalimot  sa  pinagmulang kultura at kaugalian.

Malaking  bagay aniya ang impluwensya ng mga napapanood sa mga kabataan.

“At a time when our youth are increasingly being bombarded by the influence of foreign films, the introduction of Philippine cinema appreciation becomes more imperative and urgent,” giit ni Palatino.

Kabilang  umano sa  mga pelikulang  dapat na ituro  sa  mga  eskwelahan ay ang Philippine literature classics tulad ng  Noli Me Tangere at  El Filibusterismo ni Gat Jose Rizal. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply