Perwisyong maglo-lona dahilan ng grabeng trapik

TRAAAPIK sa Gandara cor. Nueva Sts., Binondo, Manila dahil sa mga ginagawang lona na nakahambalang sa kalsada.

May pulis na naka-assign sa nasabing lugar pero parang tuod at walang ginagawa kundi ang magtatayo dahil ang balita ay malaki ang ‘tongpats’ sa kanya ng may-ari ng tindahan ng lona.

Halos nagkakandabuhol-buhol tuloy ang daloy ng trapiko dahil sa mga nakahambalang na lona sa gitna ng nasabing kalsada.

Ultimo ang barangay kapitan na nakasasakop sa Gandara cor. Nueva Sts., ay walang ginagawang aksyon sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Basahin natin ang nilala-man ng reklamo tungkol sa pagsisikip ng trapiko.

Dear Sir Johnny: Isa ako sa mga taga-subaybay ng inyong kolum sa Remate.

Nais ko lang idulog sa iyo ang matinding  traffic dito sa Gandara cor Nueva Sts., Binondo, Manila dahil po ang mga lonang ginagawa rito ay halos sakupin na ang kalahati ng kalsada.

May pulis na itinalaga  sa nasabing lugar pero walang ginagawa kundi ang magpatayo-tayo lang  dahil ang balita namin ay may ‘tongpats’ ito sa may-ari  ng mga lonahan.

Sana, Sir Johnny, ay mailathala ninyo sa inyong kolum ang karaingan naming mga motorista.

Maraming salamat po!

LOTENG SA QC HAWAK NI MOTOR

PATULOY raw ang pag-papasugal na loteng nitong si Lito MOTOR sa buong Quezon City.

Sa tulong ni Art Rivera ay nailapit niya si Motor sa  kaibigan nitong si QCPD DD Gen. George Regis.

Kaya nga walang kinikilala sa larangan ng mga magloloteng ngayon sa Kyusi kundi ang loteng ni Motor.

Halos unti-unti nang pinapatay ng grupo ni Gen. Regis at Rivera ang lahat ng mga nagpapaloteng sa QC para masolo lahat ni Motor ang operations.

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o mag-email sa juandesabog @yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply