Petron Blaze No. 1 na sa PBA Governors Cup standings

NAGPASABOG ng kinang ang Petron Blaze local driblers sa hindi paglalaro ng import nilang si Jeremy Wise sa paglagot sa signal ng Tropang Texters, 101-96 tungo sa pagsampa sa top position ng PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum Sabado ng gabi.

Nagtala ng double-double sina Arwind Santos, 25 points, 14 boards at
Alex Cabagnot na bumuslo ng 14 at sumikwat ng 13 rebounds. Maging si Sunday Salvacion ay nagpamalas ng pinaka niyang iskor na suot ang uniporme ng Petron na 23 puntos. Bunga nito nakuha ng Blaze ang pangunguna sa 19-team standings.

Tulad ng Blaze, nagtagumpay din ang Barangay Ginebra laban sa tumalsik na Air21 Express sa kabila na hindi rin nakalaro ang kanilang import na si Curtis Stinson. Nagwakas ang laro sa manipis na 89-87.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply