Petron Blaze umangat sa PBA Governor’s Cup standing

SUMAMPA sa segunda puwesto ang Petron Blaze na nakabuntot sa top placer Talk N’ Text sa paglaglag sa ikalimang puwesto sa B-Meg Derby Ace sa iskor na 87-84 sa double-header game ng PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum Miyerkules ng gabi.

Pinalabo naman ng Meralco Bolts ang natitirang pag-asa ng Air21 Express nang magpaliyab ang bagong import na si Tim Pickett na bumanat ng 30 points sa unang three quarters sa abanteng 66-56.

Nagpakitang gilas sina Asi Taulava at Sol Mercado na nag-ambag ng 16 at 15 points habang si Yousif Aljamar ay nagdagdagng 10 puntos.

Nagwakas ang laro sa iskor na 93-86 tungo sa pagpantay ng Meralco sa Rain Or Shine sa 8-2 win – loss slate.

Naitala ng Petron Blaze ang 87-84 panalo kontra sa B-Meg Derby Ace sa balikatang engkuwentro na naglaglag sa Llamados sa 3-3 slate para sa ika-limang puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply