Petron Boosters vs Powerade Tigers

ISASARA ngayong gabi ng Petron Blaze Boosters ang kanilang ika-8 at final game sa elimination kontra sa Powerade Tigers habang ibibigay ng B-Meg Derby Ace ang coup d’grace sa nanlulumong Air21 Express sa Araneta Coliseum.

Hindi magpapatawad ang Boosters laban sa Tigers sa pagsabak ng kanilang bagong import na si Anthony Grundy na dating player ng Atlanta Hawks sa National Basketball Association. Ito ay dahil mahalaga ang bilang sa standing mula sa single round elimination para sa dadalhing record sa susunod na round.

Ang B-Meg Llamados ay naghahangad din ng panalo para maiwasan ang pagkakasibak dahil kapwa nila tangan ng Meralco Bolts ang 3-3 win-loss record sa 6th position.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply