Petron sisibakin ang Rain Or Shine

SISIKAPIN ng Petron Blaze Boosters na maipanalo ang laban nila kontra Rain Or Shine ng PBA Governor’s Cup sa out-of-town game para mapatatag ang posisyon sa semifinals habang sisikapin ng sisinghap-singhap na Elasto Painters na makaiwas sa pagkatalo upang mapanatiling buhay sa susunod na round sa kanilang laban sa Digos, Davao del Sur.

Magbabalik naman bukas, Linggo sa pagitan ng Talk N’ Text at Ginebra San Miguel na susundan ng sagupaan ng Alaska Aces at ng B-Meg Derby Ace sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa laro kahapon, Biyernes, pinatalsik ng nangungunang Tropang Texters ang dumadausdos na B-Meg Derby Ace Llamados, 101-89 habang kinulta ng Gin Kinga ang Alaska Aces sa iskor na 81-77.

Sina Mark Caguioa at ang import na si Donald Sloan ang nagdala ng laro sa Tropa ni coach Jong Uichico sa ibinuslong 26 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Tuluyan ng nalalaglag sa 6-team standings sa 5-6 win-loss record ang Llamados sa kabila ng 19 puntos ni James Yap, 15 ni Marc Pingris, 14 ni Don Allado na hindi nakaporma sa Tropang Texters sa conference personal-high na 37 puntos ni Scottie Reynolds at iniambag na 15 puntos ni Jason Castro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply