PH, Tsina hindi na tensyonado

KUMPIYANSA ang Malakanyang na huhupa na rin ang matinding tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina kaugnay sa pinag-aagawang Spratly Islands sa West Philippine Sea.

Umaasa si deputy presidential spokesperson Abigail Valte na hindi malayong masimulan na ang mapayapang pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa.

Nauna rito ay ikinatuwa ng Malakanyang ang pagkakasundo nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Chinese Foreign Minister Yang Jiechi.

Matatandaang nagkasundo ang dalawang lider sa kanilang pulong na panatilihin ang pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at China sa kabila ng tensyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Valte na ang napagkasunduan ay sumasalamin sa posisyon ng Pilipinas.

“We are hopeful that this will ease the tension para makapag-usap na towards peace and stability in the region,” aniya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply