PHC hindi maaaring ibenta — Malacañang

MULING iginiit ng Malacañang na hindi dapat ibenta at sinisingil ng realty tax ang Philippine Heart Center taliwas naman sa paniniwala ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ang pahayag ng Palasyo ay kaugnay sa mapabalitang nag-order na ang lokal na pamahalaan ng lungsod na ipasubasta ang Philippine Heart Center dahil hindi ito nakapagbabayad ng buwis sa lokal na gobyerno.

Ipinaliwanag ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na isang government owned and controlled corporation ang Heart Center at may specialty ang ospital kaya hindi ito dapat sinisingil ng buwis at lalong hindi ito dapat ibenta.

Ang plano ng pamahalaan ng lungsod ng Quezon ay inalmahan ng mga empleyado ng PHC ang plano ng pamahalaang lokal ng Quezon City na ipasubasta ang nabanggit na ospital.

Plano ng pamahalaang lungsod na ipasubasta o i-auction ang PHC bunsod ng lumolobong utang nito sa buwis na nagkakahalaga ng P46 milyon na mariing tinutulan ng administrasyong Aquino. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply