Phil Younghusband pinalalaki ni Angel ang ulo

MASYADO raw bini-baby ni Angel Locsin ang kanyang papa Phil (Younghusband). Pag basa ito ng pawis todo-punas siya rito at may kasama pa raw kiss. Pagdating naman sa kainan, sinusubuan pa raw niya ito. Pero ang mas matindi sa lahat, s’ya ang taya. Hahaha!

‘Yan ba ang nami-miss ni Luis Manzano kay Angel kaya hindi niya ito makalimutan?

Joke! Ang pagiging malambing daw ni Ms. Locsin ang hindi malimot-limot sa kanya ng kanyang mga ex.

Kidding aside, huwag masyadong magpakita ng sobrang pagkagusto ang magaling na aktres sa Englishman na’to dahil baka umabuso.

Mabait kung sa mabait si Phil. Kalimutan na lang natin ang kanyang kakuringan. Pero ang lahat ng tao ay may tendency na maging palalo lalo na kung sobra-sobra silang nabibigyan ng atensyon, pagpapahalaga at pagmamahal plus nalilibre parati. Hahahaha!

Ang latest info nga palang nasagap natin ay itong pagngingitngit ni Angel dahil ang billboard nila ng kanyang papa Phil ay tinanggal ng blue boys (MMDA).

Napahiya raw ang dalaga sa love niya dahil sa ginawa ng mga kampon ni Chairman Francis Tolentino. Kaya talagang nagtutungayaw sa Twitter ang sikat na aktres.

***

Albie Casino halik ng halik sa iba’t ibang babae pag-lasing

KUMAKALAT sa networking sites, blogs and other online fora na si Albie Casino raw ay smoker and drinker. Kaya masamang ehemplo raw ito sa mga kabataan.

“Some netizens even called Albie “flirt.” Allegedly, he was seen in an open party kissing different girls even though they were complete strangers.” ayon naman sa isang blog.

“For these, people online quickly jumped to the conlusion that Albie is a bad influence to the youth,” dagdag pa nito.

Kaya ang tanong ng marami, “Is Albie’s career over? Career wise, is there still a bright future for the young actor after the storm?

“There were tweets that he is his family’s breadwinner – purportedly the main reason why they didn’t want him to admit – what will happen to his family if his career goes down?

Tsk! Tsk! Tsk!

Sayang ang binatang ito. Bakit kasi hindi siya nag-isip ng sampung beses bago niya ginawa ang mga bagay na ayaw naman niyang panagutan?

At kung pagbabasehan ang mga kumakalat na usap-usapan sa mga networking site na siya’y isang lasenggo, chain-smoker, at kapag nalalasing ay nagiging manyakis na raw, aba’y puwedeng sabihing nabiktima niya si Andi Eigenmann.

Susme!

Ang aga namang natUto sa katarantaduhan ang binatang ito. Sana mali ang mga sabi-sabi tungkol sa kanya.

***

Pandak na singer mas trip ang bini-‘BJ’

MAY nakatsikahan kami kamakailan. Ang ibinida nito ay ang kuwento sa kanya ng kaibigan niyang fan ng isang pandak pero magaling na singer.

Aniya, ang trip daw pala ng huli ay bini-BJ s’ya. Talagang tulo-laway daw ang nasabing singer habang ‘kinakantahan.’

Ok daw ang ‘matulis’ ni singer at satisfied nang husto ang fansitang nagpatusok sa kanya.

Gusto sana naming kausapin ng personal ang ma-el na fan para mas detalyado ang kanyang rebelasyon kaya lang ayaw nitong humarap. Basta isa lang daw ang masasabi ng hitad, kahit hindi guwapo si singer oks naman si Manoy. Hehehe!

Teka lang, bakit ba mahilig sa ‘singing’ ang bida natin? Totoo kaya na nasanay siya sa mga bading nu’ng nasa probinsya pa siya kaya hanggang ngayon ay hinahanap-hanap pa niya ito?

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply