Philhealth sa gobyerno ni Gloria noon, palpak!

DAHIL sa palpak ang Philippine Health Insurance Corporation noong nakaraang administrasyon ay tiniyak ni Pang. Noynoy Aquino na hindi mawawala ang impormal na sektor sa mga programang pangkalusugan ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Executive Sec. Paquito Ochoa na nananatili ang kalusugan na isa sa mga pangunahing problema ng bansa. Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng opisina ni Ochoa sa Health Department at iba pang  kaugnay na ahensiya, kanilang nabatid na tila naitsapuwera ang mga maralitang sektor sa pagpapatupad ng National Health Insurance Act of 1995.

Sa pamamagitan ng Philhealth, nilalayon ng batas ang pagkakaroon ng Health Insurance ng lahat sa loob ng 15 taon pero nakababahala na hindi ito naisakatuparan, ayon kay ES.

Matatandaan ang pama-marali noon ni dating Pang.  Gloria Arroyo na nakamit ng kanyang gobyerno ang pagkakaroon ng segurong pangkalusugan ng nakararaming Filipino.

Subalit sa resulta ng survey ng Social Weather Station noong 2010, lumalabas na 36% lang ng mga Filipino ang mayroong Philhealth coverage.

Sinabi pa ni Ochoa na sa panunungkulan ni PNoy ay higit na isasaalang-alang ng gobyerno ang kapakanan ng mga dukha nang sa gayon ay magamot sa ospital ang kanilang karamdaman kahit wala silang pera.

Idinugtong ni Ochoa na sa pamamagitan ng targeting system ng Conditional Cash Transfer ng Department  of Social Welfare and Development ay agad nilang matutukoy ang mga nararapat na isama sa mga programang pangkalusugan na isusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Malaking bahagi ang kalusugan sa nilikhang Phi-lippine Development Plan-2011-2016 ng administrasyong Aquino.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply