Philippine exports bumagsak – NSO

BUMAGSAK ang Philippine exports nitong nagdaang buwan ng Mayo ng taong ito.

Ayon sa ulat ng National Statistics Office (NSO), ang export receipts ng bansa ay umabot sa $4.10 bilyon nitong buwan ng Mayo 2011, may 3.2-percent na pagbaba mula sa $4.302 bilyon noong buwan ng Abril 2011.

Ang Electronics na top export product ng Pilipinas ay bumaba ng 26.2 percent o may $1.89 bilyon.

Ang bansa ay malaki ang kita mula sa components/devices, woodcrafts at furniture, clothing, clothing accessories, petroleum products, metal components at copper concentrates.

Ang Estados Unidos kasama na ang Japan at China gayundin ang Singapore, Hong Kong, Korea, Taiwan, Thailand, Germany at ang The Netherlands ang may mataas na pinagdadalhan ng exports ng  bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply