Philippine Heart Center puwede pang mabawi

MATAPOS maisubasta sa pamahalaan ng Lungsod Quezon, magkakaroon ngayon ng isa pang taon ang Philippine Heart Center (PHC) para mabawi ang kanilang ari-arian na sinubasta noong Hulyo 17.

Ipinaliwanag ni City Administrator Victor Endriga na kaya ginawa ito ng lokal na pamahalaan ay para ipakita sa publiko na hindi hinahabol ng Quezon City (QC) government ang kontrol sa ari-arian ng PHC.

“The QC government is not after  taking over  the hospital. What the QC Hall is really after is the payment of the real property tax that could be utilized by Mayor Herbert M. Bautista’s administration in worthwhile projects, especially better medical and health services to the city residents,” ayon pa kay Endriga.

Gayundin ang paliwanag ni City Treasurer Edgar Villanueva na nagsabing sa loob ng isang taon ay ang pamahalaang lungsod ang mangangasiwa sa lahat ng negosyong nasa loob ng gusali ng PHC.

“The PHC has one year to redeem its property. For the meantime, business structures inside the auctioned property will be under the control of QC government within one year after the sale,” sabi naman ni Villanueva.

Nilinaw ni Villanueva na mga negosyo lamang ang tiyak na kokontrolin ng pamahalaang lungsod at hindi siya nakasisiguro kung kasama ang pangangasiwa sa ospital.

Matatandaan na naisubasta ang PHC dahil sa paulit-ulit na pagkabigong mabayaran ang P46,098,246.62 real property tax sa lungsod sa kabila ng ilang warrants of levies na ipinadala sa pamunuan ng pagamutan.

Idinagdag naman ni Endriga, na naging “mabait” pa nga ang pamahalaang lungsod sa PHC sapagkat sa pamamagitan ni Mayor Bautista, pumasok sa kasunduan ang gobyerno sa dating pamunuan ng Heart Center kung saan magbibigay ng libreng serbisyong medikal ang pagamutan sa mga residente ng siyudad bilang bayad sa kanilang utang na buwis. Ngunit, hindi ito kinikilala ng kasalukuyang executive director na si Dr. Manuel Chua Chiaco, Jr.

Nagbabala pa ang administrador na sa oras na hindi nabayaran ng PHC ang kanilang mga utang sa buwis hanggang sa lumipas ang karagdagang palugit na isang taon, mapipilitan ang city government na i-take over ang ospital para makapagbigay ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga residente ng siyudad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply