Philippine shares patuloy sa pagsigla

PATULOY ang masiglang kalakaran sa lokal na merkado ng Pilipinas sa pang-apat na araw ngayon.

Matapos magtala kahapon ng all-time high record, muling nakakuha ng new record high ang Philippine share prices matapos magsara sa 4,439.61 index.

Kahapon, ikinatuwa ng mga investors ang pag-angat ng main-share ng Philippine Stock Exchange (PSE) sa 69.93 points, kung saan nalagpasan nito ang November 2010 record.

Sinasabing maliban sa “upbeat trading” sa Wall Street sa New York at inaasahang resolusyon ng economic crisis sa bansang Greece, nagdulot rin ng masiglang kalakaran sa lokal na merkado ang positibong pananaw ng mga investors sa ekonomiya ng Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply