‘Pig kill’ naganap sa Albay

NASA 20 baboy ang biktima ng “pig kill” sa bayan ng Daraga sa Albay.

Batay sa ulat, naganap ang pig kill sa mga barangay ng Alcala, San Roque, Binitayan, Sagpon at Bañag ng nasabing lalawigan.

Anim lamang sa mga ito ang na-verify ng Municipal Agricultures Office, ngunit ayon kay Livestock Officer Tines Lobete, batay sa initial clinical findings ng kanilang grupo, ay respiratory disease ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy.

Sinabi rin ng grupo, posibleng dahil sa mga patapong pagkain galing sa mga restoran na kadalasang pinapakain sa mga baboy ng mga backyard hog raiser para makatipid, kung kaya nagkasakit at namatay ang mga baboy.

Dahil sa insidente, nagsasagawa na ng massive disinfection ang municipal agriculture ng Daraga sa mga naapektuhang barangay upang maiwasan na lumawak ang apektadong lugar.

Inaalam na rin kung bacterial o viral ang kumakalat na sakit ng mga baboy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply