Pilipinas Shell nagmadali sa price hike

NAGMAMADALING nagpatupad ng price hike ang Pilipinas Shell sa gitna ng ang inaasahang sunud-sunod na pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Upang hindi maunahan sa pagsirit ng presyo ng petrolyo, epektibo kaninang 12:01 ng hatinggabi ay binawi nito ang ipinatikim na rollback noong nakaraang linggo at nagtaas ng P2 kada litro sa presyo ng unleaded gasoline habang P1.50 naman sa regular gasoline.

Samantala, 80 sentimos naman ang itinaas kada litro ng diesel at kerosene.

Ayon sa Shell, ang pinakahuling pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo ay dahil na rin sa pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Dahil dito, bagama’t hindi pa nauubos ang kanilang stock ay inaasahan nang susunod nang magtataas ng kani-kanilang presyo ang iba pang kumpanya ng langis. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply