Piloto sugatan sa bumagsak na light plane

SUGATAN ang isang piloto matapos bumagsak ang eroplano na kanyang pinalilipad sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley (Comval) province.

Si Capt. Luciano Edgil ay sakay ng Cessna plane RPR 5859 kaninang alas-6:00 ng umaga.

Ini-spray niya ang Isalon banana plantation nang biglang lumakas ang ihip ng hangin at sumablay ang kanang pakpak ng eroplano.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang biglang bumagsak ang eroplano.

Dahil sa aksidente ay nawasak ang Cessna plane.

Iniimbestigahan pa ng Pantukan PNP ang pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply