Pinag-iinitan ng isang bading si Katherine Luna

SA TRUE, nakaaawa si Katehrine Luna dahil sa hindi magandang ginawa sa kanya ni Coco Martin. Na matapos nga itong buntisin, iniwan na lang basta and worse, ayaw kilalanin ang anak na panganay ni Katherine.

Kailan lang, muling in-interview ng press si Katherine and again, si Coco Martin ang topic ng istorya. Kumbaga, kung tutuusin, luma na nga naman yung topic na inamag na ng panahon. Pero let me clear out things na hindi naman ginusto ni Katherine na muling buksan ang topic. It’s the press who do, at sinasagot lang ni Katherine ang mga tanong nila.

Heto na ngayon, isang bading na super in love kay Coco Martin, aligaga ito sa pagsusulat na kesyo ginagamit ang kanyang paboritong aktor. Na ayan, paulit-ulit na di pa nagsasawa si Katherine sa pagsasalita laban sa ama ng panganay na anak.

Kesyo, mabait daw si Coco, walang epekto sa kanya yung paninria ni Katherine, magaling daw na aktor etcetera, etcetera.

Sa kanyang panulat, very good si Coco, what about his off the record remarks?

Hay naku, mahirap na lang magsalita. Sa true, ang baklang ito na ngayon ay panay ang pagtatanggol kay Coco is the same bading na panay din ang daldal tungkol sa di umano’y naging relasyon nila ni Coco noong upstart pa ito. Na kung paniniwalaan nga, naging call boy daw si Coco at isa siya sa naging kulakadidang nito. Pinagsasabi niyang siya’ng unang nakatikim kay Coco na ganun at ganito. Na meron pa siyang komento na haba raw ng hair niya, dahil kapag kasama ni Coco ang noon ay GF niya, iniiwan daw at sa kanya ito sumasama.

Allegation po yan ng bading na lukaret na tila wala namang naniniwalsa kanya. So far, ilusyunado ang image ng bading na ito at feeling talaga, naging kulakadidang niya si Coco Martin.

Pero heto ka, panay ang tanggol niya kay Coco against Katherine, if we know, selos ito na si Katherine talaga’ng natikman niya si Coco gayung sila hanggang ilusson lang.

Hahaha!

Hoy, bakla, magpaka-true ka, para maayos yang paglalakad mo!

@@@

Liz Alindogan talent manager na rin

WORDS of wisdom yung mga sinabi ni Liz Alindogan na kahit ano pa ang mangyari, na kahit anong gusot at problema ang pasukan, huwag bibitaw at huwag tatakasan ng katinuan.

Sa “Pagdating ng Moment” show ng mga kasamang reporter, sa Zirkoh, isa si Liz Alindogan sa mga bisitang artista. Na siyemnpre, dahil kaibigan talaga noong araw, excited siyang nakipagkuwentuhan sa mga press.

Yes, she’s now doing some sort of a comeback dahil magaling naman siyang artista talaga. She maybe a sexy star of sort noong araw, pero isa siya sa mga natatakan bilang aktres noong kanyang panahon.

Liz Alindogan is now a part of “100 Days to Heaven” ng ABS-CBN at markado ang role niya. Kumbaga, this marks her comeback and is rarin’ to go on and on.

Maraming kuwento tungkol sa nakaraan si Liz at panay ang tanong niya sa mga kaibigan niya noong araw. Na focus ang kanyang mga tanong tungkol sa isang reporter/star builder na ngayon ay nawala na. Nang kuwento sa kanya yung di na matino ang naturang personalidad, nanghinayang siya.  “Sayang siya, matalino siya, bakit siya nagkaganun?”

When told na nag-self-destruct yung reporter, at di na nakayanan ang lahat, ayon kay Liz, di raw ito dapat bumitaw.

Maraming kuwento si Liz tungkol sa mga pinagdaanan niya. At pati yung experiences ng ibang kakilala niya na kahit anong hirap ang pinagdaanan, hindi sila bumitaw, they maintained their dignity and sanity.

Oo nga naman.

By the way, bukod sa kagustuhang makabalik sa limelight, Liz is also into talent managing now. Kasama niya sa Zirkoh ang dalawang talent niya, sina Lloys and Arnie. Parehong star material ang dalawa and the way we see it, sa excitement ni Liz, hindi malayong sisikat din ang dalawa niyang alaga.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply