Pinas nangungulelat sa global peace index

NASA ika-130 na puwesto ang Pilipinas sa may kabuuang 149 na bansa na kasama sa 2010 Global Peace Index survey ng Institute for Economics and Peace (IEP).

Ang resulta ay ikinaalarma ni Quezon City 2nd district Rep. Winston “Winnie” Castelo kasabay ang pangangalampag sa pamunuan ng Philippine National Police at pananawagan ng full reorganization sa hanay ng kapulisan.

Masyado ng halata aniya ang seryosong problemang ito na dulot ng hindi epektibong pagpapatupad ng mantra ng PNP na “to serve and protect.”

“There is obviously a very serious problem that has plagued the PNP that effectively rendered its mantra ‘to serve and to protect’ pure fiction. The current state this organization is in only reflects an irreversible case of doctrinal dysfunction that Congress in exercise of its oversight function should immediately look into,” ayon sa  QC solon.

Masyadong sumadsad ng sampung ulit ang Pilipinas sa ranking. Noong 2009 nasa ika-23 lamang ang bansa sa ginawang pagsukat ng peace and order situation sa bansa.

Ayon kay Castelo, maliwanag na masyado ng pangit ang pagtingin ng buong mundo sa bansa maging ito man ay mula sa mata ng academics, businessmen, philanthropists, miyembro ng peace institutions

“What this most recent ranking is telling us is the indisputable fact that the PNP as an organization has ceased to perform at par. With poor and dismal scores in perceived criminality, violent crime, intensity of internal conflicts, respect for human rights, potential for terrorist acts, likelihood of violent demonstrations and ease of access to small arms and light weapons, it is of little wonder then that the PNP is in a complete state of decay,” ani Castelo.

Ipinunto rin nito na tanging ang PNP at hindi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang siyang nasa tamang lugar kaugnay sa kanilang mandato na sugpuin ang mga kriminalidad gaya ng kaguluhan, crimes against persons or property, kidnap-for-ransom, communist insurgency at iba pa.

Iginiit ng solon na bigo ang PNP na ipatupad ito kaya masama ang pagtingin ng buong mundo sa sitwasyong pangkapayapaan sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply