Pinas ‘no talk’ na sa bastos na Chinese diplomat

DAHIL sa ipinakitang bastos na ugali ng isang senior Chinese Embassy diplomat, isang memorandum ang ipinasa ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi na umano makikipag-usap kailanman ang gobyerno ng Pilipinas kay Director of Political Affairs Li Yonsheng.

Ang “No Talk” policy na pinairal ng DFA ay kaugnay sa reklamo ng mga DFA officials laban kay Li matapos umano nitong pagalitan si Asia-Pacific Affairs Executive Director Meynard Montealegre.

Ang insidente ay naganap sa harap mismo ng iba pang Philippine at Chinese officials.

Isang memorandum ang ipinasa ng DFA na hindi na umano makikipag-usap kailanman ang gobyerno ng Pilipinas kay Li.

Ipinaalam na rin umano ng DFA sa Chinese embassy ang kaso ng kanilang kinatawan.

Ipinaliwanag naman ng mga foreign affairs officials na bilang mga diplomats, inaasahan umano sa lahat na magpakita ang mga ito ng respeto at paggalang sa kanilang host government.

Iginiit naman ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi dapat hayaan lamang ng mga Filipino na maliitin at takutin ng mga malalaking bansa.

“If we allow ourselves to be pushed around, maybe tomorrow our 7,100 islands would be down to just two digits,” ayon sa Pangulong Aquino. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply