Pinas pang-apat na supplier ng droga sa Asya

PANG-APAT ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na pinagmumulan ng ipinagbabawal na gamot habang ang China naman ang top drug destination.

Ang impormasyong ito ay ayon sa talumpati ni Vice President Jejomar Binay, sa ika-siyam na anibersaryo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Biyernes ng umaga.

Umapela rin si Binay ng pagkakaroon ng bagong national drug policy na susuri sa mga iligal na droga hindi lamang para maging isang problema sa kapayapaan at kaayusan kundi maging sa kalusugan ng mamamayan.

Sabi ni Binay, ang Malaysia ang nanguna sa listahan at sumunod lamang ang Macau, at Thailand habang parehas lamang ang Pilipinas at Nepal at sumunod na rito ay ang Vietnam.

Nubenta porsiyento ng nasabing mga droga ay ibinabagsak sa China, na siyang chief destination sa Asya, sumunod lamang ang Hong Kong na siyam na prosiyento lamang at Taiwan na 1 porsiyento.

Dahil dito, hindi na  ikinagulat ni Binay kung bakit nakulong ang 200 overseas Filipino worker (OFW) sa China na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply