Pinay na ni-rape ng 3 Arabo tinututukan ng DFA

PINAKILOS na ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) ang mga abogado na tututok sa kaso ng isang buntis na Filipina na halinghinang ginahasa ng tatlong Arabo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos, binigyan na nila ng legal at consular assistance ang Pinay kasama ang abogadong tututok sa kaso laban sa tatlong Arabong naaresto.

Sinabi ni Conejos na makikipag-ugnayan ang mga ipadadalang abogado ng ahensya sa mga awtoridad ng Riyadh na humahawak sa kaso upang mabigyan ng katarungan ang siyam-na-buwang buntis na Pinay na walang awang niluray ng mga suspek.

“Hindi titigil ang kagawaran hangga’t hindi nabibigyan ng katarungan ang ginawang panghahalay sa biktima dahil walang awa ang mga gumagawa nito sa kanya” dagdag pa ni Conejos.

Base sa natanggap na report ng DFA, naaresto na ng mga awtoridad sa Saudi Arabia ang tatlong suspek at ang mga ito ay kasalukuyan nang nakakulong sa nasabing bansa.

Magugunita na patungong ospital ang Pinay nang hintuan ng isang sasakyan at alukin ng tulong ng mga suspek subalit sa halip na ihatid sa ospital, dinala sa isang bakanteng lote sa Dammam at doon halinghinang ginahasa ang biktima bago ninakawan ng pera at personal na kagamitan.

Nitong nakaraang Miyerkules lamang nanganak ang di muna pinangalanang biktima at kasalukuyan pa rin nagpapagaling sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply