Pinay na guro bibitayin sa China

ISANG guro na Pilipina ang sinentensyahan ng kamatayan dahil sa pagpupuslit ng pinagbabawal na gamot sa China.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, tatlong buwan pa lamang ang nakakaraan ng bitayin ang tatlong Pinoy na nagpupuslit din ng droga sa China ay lumabas naman ang nasabing desisiyon ng korte sa China para sa guro na nahuli sa Guangzhou International Airport noong Oktubre, 2010 dahil sa pagdadala ng 1,996 gramo (67 ounce) ng heroine na nakabalot sa isang foil sa loob ng kanyang bag.

Ang babae na hindi pinangalanan ng DFA ay binigyan ng dalawang taong palugit, sapat na panahon upang magamit ng mga akusado para mapababa ang kanilang mga sentensya sa mas mababang lebel tulad ng habambuhay na pagkakakulong o mas paborable pa.

Ang nasabing kaso ng guro ay awtomatikong nirerebisa ng Guangdong High People’s Court subalit nagbabala ang DFA na ang China ay kilala sa pagiging matigas pagdating sa mga drug smuggling tulad ng nangyari sa tatlong binitay noong Marso sa kabila ng paulit-ilit na pakiusap ng pamahalaan ng Pilipinas na patawarin na ang mga ito. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply