Pinay natagpuang patay sa Malaysia

ISANG Pinay na domestic worker ang natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto sa mismong bahay ng kanyang amo sa Malaysia Sabado ng gabi, Hulyo 23.

Inilathala noong Linggo ng hapon ng The Star website ng Malaysia na ang Pinay ay tinatayang nasa 36 anyos, mayroong bruised marks sa leeg at nagtamo rin ng marka sa likod ng kanyang ulo, na senyales na nagdaan sa hirap ang biktima bago nasawi.

“Several items were reported missing and we are still investigating as no suspects have been identified so far,” ayon kay Petaling Jaya police assistant commissioner Arjunaidi Mohamed .

Naganap ang insidente sa mismong bahay ng kanyang amo sa Jalan Gasing area, kung saan, ayon pa sa report, mismong ang amo nito ang nakadiskubre ng bangkay ng biktima sa kuwarto nito bandang 11:45 p.m. ng Sabado.

Ayon naman sa inisyal na imbestigasyon ng police forensics unit, ang biktima ay nagdaan sa hirap at nakipaglaban dahil nagtamo ito ng mga marka at galos sa leeg bago nasawi.

Nabatid na nagsilbi ang Pinay sa naturang bansa nang siyam na taon.

Kasalukuyan namang nakalagak ang labi nito sa University of Malaya Medical Center (PPUM) para sa post-mortem examination.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply