Pinoy hotel workers sa California dinakip

INARESTO ang isang grupo ng mga manggagawang Filipino matapos magprotesta laban sa kompanyang pinapasukan sa California sa Estados Unidos.

Ang 25 Pinoy, kabilang si Ben Leonen, ay na dinakip matapos magprotesta laban sa maling pagpapasahod at pagbibigay ng mga benepisyo ng Hyatt Hotel. Agad namang nakalaya ang mga ito.

Tumanggi umanong mag-duty ang mga ito noong gabi ng Hulyo 21, 2011, na nauwi sa pagkaparalisa ng operasyon ng five-star hotel.

Gumanti ang institusyon sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong civil disobedience laban sa mga nagprotestang manggagawa.

Ayon kay Leonen, nagprotesta sila upang ipakita ang kalagayan ng mga manggagawa ng Hyatt Hotel sa iba’t ibang branch nito sa California.

Sinabi pa niya na labis ang kanilang pagtatrabaho subalit tumatanggap lamang ng mababang sweldo.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Southern California, sinuswelduhan lamang ng $10 kada oras ang isang housekeeper ng hotel.

Base naman sa pamunuan ng hotel, matagal na silang nag-alok ng dagdag-sweldo at mga benepisyo sa mga manggagawa, ngunit ibinasura ito ng unyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply