Pinoy Math wizards humakot ng medalya sa Indonesia

BITBIT ang maraming medalya ay dumating na mula sa Bali, Indonesia ang mga kabataang nanguna sa International Math Competition.

Binubuo ng 16 elementary pupils at 17 high school students ang grupo na nag-uwi ng isang gintong medalya, isang silver at ilang bronze medal.

Nanguna sa grupo si Gene Go, Jr. ng Zamboanga Chong Hua High School na nakapag-uwi ng gold medal habang silver medal ang bitbit ni Errol John Suarez, Grade 5 student sa Bicol University sa Legaspi City, Albay.

Nakakuha naman ng bronze medal at merit award ang Team A, B, C at D ng elementary at high school group gayundin ang koponan ng Pilipinas na lumahok sa ASEAN All-Girls Team na sumungkit din ng bronze medal.

Nabatid na 30 bansa ang naglaban-laban sa International Math Competition na ginanap mula July 18 hanggang kahapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply