OFWs na pa-Bahrain bantay-sarado sa BI

DAHIL sa ulat na karamihan sa mga Filipinong nagpupunta sa Bahrain ay nagiging undocumented overseas Filipino workers (OFWs), binabantayan na ngayon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang kilatisin ang mga turistang Pinoy na papunta sa nasabing bansa.

Inatasan ni Commissioner Ricardo David Jr. ang mga immigration officer sa pambansang paliparan na masusing busisiin ang mga papeles ng mga Pinoy na patungong Bahrain upang matiyak na ang mga lehitimong turista lamang ang makaaalis ng bansa.

Nauna rito ay nakatanggap si David ng ulat mula sa embahada ng Pilipinas sa Bahrain na maraming Pilipino ang nagtutungo doon bilang turista ay nagtatrabaho nang walang kaukulang dokumento.

Dahil dito, maaring maabuso ang mga nasabing Pinoy ng kanilang mga amo at mahihirapan ang embahada na matulungan sila.

Tiniyak pa ni David kay Philippine Ambassador to Bahrain Maria Corazon Yap-Bahjin na patuloy na nagmamatyag ang kawanihan sa lahat ng pambansang paliparan upang masiguro na pawang lehitimong turista at dokumentadong Filipino lamang ang makapupunta sa Bahrain.

Sa kanyang liham kay David, pinasalamatan din ni Bahjin ang kawanihan sa ginagawa nitong ayuda upang masawata ang illegal recruitment at human trafficking sa Bahrain.

Batay sa datos ng kawanihan, umaabot na sa mahigit 54,000 Filipino na patungong Bahrain gamit ang mga tourist visa ang napigilang makasakay sa eroplano matapos matiyak na intensyon ng mga ito na magtrabaho sa nasabing bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply