Pinoy riders bida sa Palawan

TAMPOK ang pinakamahuhusay na motocross riders ng bansa sa JYL-Enersel National Invitational Motocross Championship sa Brooke’s Point, Palawan nitong nakaraang Sabado at Linggo.

Nanguna si Glenn Aguilar, dati nang naging Asian Rider of the Year, sa Pro Open category tungo sa ikapitong leg ng motocross series.

Muntik nang masungkit ni Bornok Mangosong ang titulo kay Aguilar nang manguna sa simula ng karera.

Sa huling dalawang lap, namatayan ng makina si Mangosong kaya nakahabol si Aguilar. Dahil ayaw patalo, nag- freestyle 60 feet jump si Mangosong at naging pangalawa na naman si Aguilar. Sa huling lap, pinatunayan ni Aguilar na siya ang karapat-dapat manalo nang tumalon siya tungo sa finish line. Pang-apat lamang si Mangosong.

Sina Kimboy Pineda at Ambo Yapparcon ang nagtapos ng ikalawa at ikatlo habang ang Golden Wheel awardee na si Donark Yuzon ay pang-anim.

Dinomina ng pangulo ng SEL-J Sports na si Jay Lacnit ang kategoryang Executive C habang ang trainer ni Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez ay sumunod sa kanya. Ikatlon naman si Juancho Banaag.

Naghabulan din sa karerang Executive A sina Fernandez at Lacnit at nagtapos ng ikatlo at ikaapat. Ikapito si Fernandez sa Beginner Open Prod category habang ika-siyam si Lacnit. Sa kategoryang Executive B, ikatlo si Fernnadez at ikalima si Lacnit.

Ang top three winners ng karera ay sina Jeffrey Rellosa, John Manuel Jaranilla at Jodel Bonto (Beginner Open Prod); Atong Mangosong, JB Bacabac at Arniel Lacnit (Novice Open Prod.); Atong Mangosong, Dexter Bacabac at JB Bacabac (Intermediate); Pia Gabriel, Marriane Yapparcon at Mia Villalon (Ladies); Nino Acosta, Leonilo Lunaspe at Arnold Edmilao (Underbone); BJ Pepito, Ompong Gabriel at Mia Villalon (50CC);  BJ Pepito, Ompong Gabriel at Marriane Yapparcon (65 CC); Ompong Gabriel, Mc Lean Aguilar at Pia Gabriel (85 CC); Allen Mercado, Forteviliar Ebit at Maty Masculino (Pantra);  Gabriel Alba, John Manuel Jaranilla at Michael Jay Pascual (Pit Bike); Arnold Patindol, Michael Jay Pascual at Arvin Borlagatan (Local Open Enduro); Dexter Bacabac, Hermis Bantoc at Buboy Fernandez (Executive A); at Hermis Bantoc, Arvin Santos at Buboy Fernandez (Executive B).

Opisyal namang ibinigay ni Brooke’s Point Mayor Narciso ‘Boyet’ Leoncio, M.D. ang susi ng sports-tourism kay Lacnit sa pagsisimula ng karera habang higit 20,000 manonood ang tumungo sa Barangay Calasiguin para sa ika-62 selebrasyon ng pundasyon ng Brooke’s Point at ika-6 na Pista y ang Kaniyog’n ng Palawan.

Ang Brooke’s Point ang growth center ng Southern Palawan, isang first class na munisipalidad na nagtataguyod ng motocross bilang isport. Ang Brooke’s Point, tahanan ng Pearl of Allah, ang pinakamalaking perlas sa mundo, ang tinatawag na motocross capital ng Southern Palawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply