Lyceum Pirates 4-2 na sa NCAA

MULING ipinaramdam ng guest team Lyceum of the Philippines University Pirates ang lakas matapos talunin Arellano Universtiry Chiefs, 84-73 sa nagaganap na season 87 ng NCAA mens basketball tournament sa the Arena sa San Juan City ngayong hapon.

Nanguna sa pagpapasabog sa opensa ng Pirates si guard Chris Cayabyab na tumikada ng 20 points, seven rebounds at limang assists upang ilista ang 4-2 win-loss slate sa team standings.

Unang namirata sa opensa ng LPU si forward Onofre Napiza ng pangunahan ang Pirates para sa 12-0 run at makaabante agad ng 17-5 may 3:51 minuto pa ang nalalabi sa first canto.

Nakadikit ang Chief sa third period 46-47 matapos ang 8-0 run subalit pinatay agad ni Cayabyab ang momentum ng una ng isalpak nito ang threee-pointer parasa46-50 abante.

Umabot sa 16 puntos ang nilamang ng Pirates sa Arellano U ng magsanib ang puwersa nina Onofre at Gian Mallari sa last quarter.

“Hard work ‘yan ang objectives namin sa pagpasok namin dito sa NCAA,our target is to play our very best game sa mga makakalaban namin,” wika ni Pirates coach Bonnie Tan.

Sumegundo sa opensa ng Pirates si Floricel Guevarra na may 17 puntos at talong boards habang tig 14 at 10 pts. ang inambag nina Mallari at Napiza.

Samantala, sina Vergel Zuleta at Jerald lapuz ang kumamada ng puntos para sa Chief mataposibuslo ang tig 23 at 21 points ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply