Pirates sasabak sa panibagong pagsubok

HAHARAP muli sa panibagong acid test ang guest team Lyceum of the Philippines, (LPU) Pirates dahil makakaharap nila ang wala pang talong San Sebastian College-R Stags sa pagpapatuloy ng season 87 NCAA men’s basketball tournament na ginaganap sa Fil-Oil Flying V the Arena sa San Juan City.

Parehong galing sa panalo ang Pirates at Stags kaya naman malalaman bukas, Lunes, alas 11 ng umaga kung sino ang magtutuloy ng momentum.

Tinalo ng Intramuros based LPU ang Arellano U Chief, 84-74 habang pinayuko ng Stags ang Letran Knights, 71-62.

Kasalo ng Stags ang defending champions San Beda College Red Lions sa tuktok ng team standings na may 4-0 slate habang solo sa pangatlong puwesto ang Pirates na may 4-2 win-loss karta sa first round na ipinatupad ang double round robin.

Sa huling laro ng LPU, hindi masyadong nakatulong sa opensa si Allan Santos kung saan sa limang laro nito ay tumarak siya ng double-double.

“Sabi ko sa sarili ko pag hindi ako masyado makakatulong sa opensa kahit sa rebounds at assists na lang lalo na sa depensa'” wika ni Santos.

Sasandal ang Pirates kina Chris Cayabyab, Floricel Guevarra at Gian Mallari para sa opensa habang katuwang ni Santos sa pakikipagbunuan ng katawan sa loob ng paint si Onofre Napiza.

Samantala, siguradong mananagasa ng puntos si Stags star player Calvin Abueva para makuha ang pang-limang sunod na panalo.

Kumana si Abueva ng 18 points, 10 boards at tatlong assists sa laban nila sa Knights habang si Stags center Ian Sangalang ang nag top scorer na may 22 pts. at 10 rebounds.

Sa main game maghaharap ang Jose Rizal University, (JRU) Heavy Bombers at host University of Perpetual Help System Dalta Altas sa 4 ng hapon.

Tangan ng Heavy Bombers ang 2-2 panalo talo karta habang 0-4 ang Altas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply