Piso lumakas kontra dolyar

LALONG lumalakas ang halaga ng Philippine peso kontra dolyar na bumalik sa P42 level upang magtala sa pinakamalakas sa nakalipas na dalawang buwan.

Nagsara ang local currency sa Philippine dealing system sa P42.89 laban sa isang dollar Miyerkules ng gabi, na mas malakas ng 16.5 centavos nitong nakalipas na araw na nasa P43.055 to $1.

Umabot pa sa pinakamalakas ang piso ngayong araw sa P42.83 to $1.

Naitala naman ang volume ng trading na mahigit pa sa bilyong dolyar o  $1.102 billion mula sa $754.59 million nitong nakaraang araw.

Liban sa piso, nagpakita rin ng paglakas ang ibang mga Asian currencies sa rehiyon na sinasabing dahil sa pagtaas ng mga pumapasok ng mga foreign portfolio investments.

Nagpadagdag pa umano rito ang inaasahang pagtaas ng interest rates.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply