Piston tuloy ang transport protest caravan

NAKATAKDANG ilunsad ngayon, Hulyo 19, ng  Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ang kanilang transport protest caravan kaugnay sa walang humpay na pagsirit ng presyo ng petrolyo.

Ang transport protest ay bilang pag-kondena sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Piston secretary general George San Mateo, magtitipon muna ang mga transport group at ilang militanteng grupo sa Quezon City Circle bago sila pumunta sa head office ng Shell sa Makati City.

Sinabi pa ni San Mateo na patikim pa lamang ito sa mas malawak at mas malaking kilos protesta na kanilang gagawin kapag walang ginawa ang gobyerno para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis.

Samantala, nagtaas na naman ng presyo ng petrolyo ang ilang kompanya ng langis simula kaninang madaling araw.

Ayon kay Bobby Kanapi, tagapag-salita ng Pilipinas Shell, P1.10 ang idinagdag nila sa kada litro ng kanilang regular gasoline at 30 centavos naman sa kada litro ng unleaded gasoline.

Muli na namang ikinatwiran ni Kanapi na ang panibagong paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw din ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan namang magsusunuran na rin ang iba pang oil companies sa ipinatupad na oil price hike ngayong umaga. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply