Planta ng Mega sardines pinasabugan

PERSONAL na galit ang sinasabing motibo ng awtoridad sa pagsabog sa loob ng planta ng Mega Fishing Company sa Barangay Cawit sa siyudad ng Zamboanga.

Nabatid kay city police director S/Supt. Edwin De Ocampo na inihagis ng hindi nakilalang tao ang isang granada sa loob ng compound ng Mega Fishing Company at sumabog ito sa may storage room ng nasabing kompanya.

Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing insidente.

Narekober sa lugar ng pagsabog ang fragments ng granada at ang safety lever pin nito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na pinaghihinalaan umano ang isang dating security guard na sinibak ng kompanya dahil sa kasong pagnanakaw.

Sa kasalukuyan, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek sa pagsabog.

Ayon naman kay De Ocampo, ang insidente ng pagsabog sa compound ng Mega Fishing Company ay hindi gawain ng terorismo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply