Plea bargain kay Zaldy Ampatuan kinokonsidera

BUKAS ang government prosecution team na pag-aralan ang posibilidad na pumasok sa isang plea bargain deal si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan, isa sa pangunahing suspek sa Maguindanao massacre.

Sa panayam kay Justice Undersecretary Francisco Baraan, bagama’t malabong maging state witness si Zaldy,  maaari umano nilang ikonsidera ang opsyon na mag-plea ito sa mas mababang kaso kapalit ng pagdiin sa iba pang pangunahing sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Maliban kay Zaldy, kabilang pa sa mga pangunahing akusado sa kaso ay ang ama nito na si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr., at kapatid na si dating Datu Unsay Mayor Andal, Jr.

“Puwede iyon. We can consider that (plea for a lesser offfense),” ani Baraan na inatasan ng DoJ bilang supervising official sa prosekusyon ng kaso.

Gayunman nilinaw ni Baraan na kailangan munang mabasahan ng sakdal si Zaldy, bago magkaroon ng plea bargain deal.

“We might consider that if he will plead guilty to a lesser offense, sa plea bargaining if he will be arraigned. Kasama naman ang plea bargaining sa criminal cases,” ani Baraan.

Una nang ibinasura ni Justice Sec. Leila de Lima ang alok ni Ampatuan na maging state witness laban sa kaniyang ama, kapatid at iba pang akusado sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply