Plunder case ipinababasura ni GMA

HINILING ni Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na ibasura ang plunder case na isinampa sa kanya ni dating Solicitor General Frank Chavez kaugnay umano’y paglustay sa P550 milyong pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Personal na inihain ni Arroyo sa Department of Justice (DOJ) ang 44 pahinang counter-affidavit.

Sinabi ng abogado niyang si Atty. Benjamin Santos na labag sa rules against forum shopping ng joint memorandum circular ng Office of the Ombudsman at ng DOJ ang ginawang pagsasampa ng reklamo ni Chavez.

Paliwanag ni Santos, ibinasura na ng Ombudsman ang nasabing reklamo noong Hulyo 25, 2006.

Kinumpirma naman ni Atty. Andrei de Jesus, abogado ni Chavez, na hindi dinismis ng Ombudsman ang reklamo kundi isinara lang ang kanilang imbestigasyon kaya maaari pang buksan.

Itinakda ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva sa Agosto 19 ang pagsasampa ng magkabilang panig ng memorandum at pagkatapos ay pag-aaralan na ng three-member panel of prosecutors kung dapat iakyat sa korte ang naturang reklamo laban kay Arroyo.

Bukod kay GMA, respondent din sa kasong plunder sina dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, dating OWWA Administrator Virgilio Angelo at dating Philhealth President Francisco Duque III at walong iba pang miyembro ng board of trustees ng OWWA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply